^

Bansa

Seguridad ng mga biyahero patuloy

-

Mananatili ang pagiging mapagmatyag at ma-ingat kaugnay ng ipinag-utos na travel security operations ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa upang bigyang seguridad ang mga biyahero at mga turista sa buong panahon ng bakasyon o summer season.

Kasabay nito, pinapurihan ni Verzosa ang lahat ng PNP units sa matagumpay na pagbibigay segu­ridad para sa kaligtasan ng mamamayan nitong tradisyonal na Semana Santa.

Ayon kay Verzosa, maliban sa ilang report ng mga emergencies sa ilang bahagi ng mga pangunahing lansangan sa Luzon at Mindanao ay naging mapa­yapa sa pangkalahatan ang pag­gunita ng bansa sa Mahal na Araw.

Sa panig naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Nicanor Bartolome, sinabi nito na magpapatupad ang PNP ng summer holiday security at public safety o ang tinaguriang Oplan Bantay Lakbay na inumpisa­han nitong panahon ng kuwaresma.

Bandang alas – 12 nitong Sabado de Gloria ay patuloy ang monitoring ng National Operations Center sa Camp Crame sa normal na daloy ng trapiko sa North at Luzon Expressway, Mc Arthur Highway mula sa North Luzon, Manila East Road mula Northern Quezon hanggang Laguna at mula Manila South Road patungo sa Southern Luzon provinces.

Inaasahan naman ang pagsisikip muli ng daloy ng trapiko umpisa ngayong hapon hanggang Lunes sa pagbabalik ng mga nagsipagbakasyon sa pro­binsiya sa Metro Manila. (Joy Cantos)

CAMP CRAME

JOY CANTOS

LUZON EXPRESSWAY

MANILA EAST ROAD

MANILA SOUTH ROAD

MC ARTHUR HIGHWAY

METRO MANILA

NATIONAL OPERATIONS CENTER

NICANOR BARTOLOME

NORTH LUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with