7,000 residente ng Sulu lumikas
Umaabot na sa mahigit 7,000 katao ang nagsilikas sa takot na maipit sa puspusang ‘military pressure’ ng tropa ng mga sundalo laban sa mga bandidong Abu Sayyaf na patuloy na bumibihag sa dalawa pang nalalabing miyembro ng International Committee of the Red Cross sa Sulu.
Batay sa report, dahil sa matinding takot ng mga residente na maipit sakaling muling sumiklab ang sagupaan ng mga sundalo at ng mga bandidong kidnappers.
Sa pinakahuling tala ng National Disaster Coordinating Council, nasa 1,586 na pamilya o katumbas ng 7,658 katao ang nagsilikas mula sa walong barangay ng Indanan.
Sa kagubatan ng Indanan, itinatago ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Albader Parad ang nalalabi pang mga bihag na sina Swiss national Andreas Notter at ang Italian na si Eugenio Vagni. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending