Registration sinuspinde

MANILA, Philippines - Pansamantala munang sususpindehin ng Commission on Elections ang voters’ registration simula ngayong Huwebes Santo hanggang sa Sabado de Gloria.

 Ayon kay Comelec Spokesman James Arthur Jimenez, ang registration break ay bilang pagbibigay-daan sa paggunita ng sam­bayanan sa Semana Santa.

Sa isang kalatas, sinabi ni Jimenez, na siya ring director ng Comelec-Education and Information Division na nag­palabas ang komisyon ng memorandum kamakalawa na nagdedeklara ng registration break simula sa Abril 9 hanggang sa Abril 11.

Ayon kay Jimenez, muling magpapatuloy ang voters’ registration sa Lunes, Abril 13. (Mer Layson)


Show comments