^

Bansa

National Anthem 2 beses patutugtugin

-

MANILA, Philippines - Hindi lamang iisang beses sa tuwing flag raising ceremonies kada Lu­nes ng umaga isasagawa ang pag-awit o pagpapa­tugtog ng national anthem na “Lupang Hinirang”kundi dalawang beses na kada araw ito gaganapin sa loob ng Ninoy Aquino International Airport.

Kahapon ay nagpala­bas ng direktiba si Manila International Airport Authority General Manager Al Cusi na patutug­tugin na ang pambansang awit ng Pili­ pinas kada alas-8:00 ng umaga bago ang pagbubu­kas ng oras ng trabaho at alas-5:00 ng hapon kung saan kara­ni­wang nagtata­pos ang tra­baho ng mga emplyeado. Ito ay isasa­gawa sa MIAA administration building at NAIA terminal 1, Centennial Terminal 2 at NAIA 3.

Ayon kay Cusi, layunin ng bagong hakbang na itaguyod ang nasyuna­lismo sa lahat ng emple­yado ng NAIA at maka­pagbigay sa kanila ng ins­pirasyon upang pagsilbi­han ang bayan sa pama­magitan ng maayos at mahusay na trabaho.

Sinabi ni Cusi na ang mga turista o dayuhan na bu­mibisita sa bansa na makakarinig ng national anthem ng Pilipinas ay maka­kapag-paalala sa mga ito na ang mga Pili­pino ay respon­sableng mamamayan at kung ga­ano ipinagmamalaki ang kanyang cultural heritage. (Ellen Fernando)


AYON

CENTENNIAL TERMINAL

CUSI

ELLEN FERNANDO

KAHAPON

LUPANG HINIRANG

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY GENERAL MANAGER AL CUSI

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with