Bidding sa North Harbor pinalagan
MANILA, Philippines - Umalma na rin ang ma higit sa 200,000 residente na naninirahan sa paligid ng pantalan sa Maynila, mga empleyado at mga vendor kaugnay sa pagpapatuloy ng bidding sa Manila North Harbor Modernization Project na “niluluto” umano ng Philippine Ports Authority (PPA).
Sa ginanap na press conference kahapon, sinabi nina Emilio Manaois, presidente ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Pantalan; Nenita Reli, pangulo ng Nagkakaisang Manileno Tungo sa Pagbabago at Mary Bertolano, pangulo ng Nort Harbor Port Vendors Multi-Purpose Cooperative, marami umanong “anomalya” sa proseso ng bidding para sa 25-year project ng Manila North Harbor.
Anang tatlo, pabor sila sa modernization ng Manila North Harbor pero ang proseso umano ng ginagawang bidding sa kasalukuyan ay hindi nila “masikmura”.
Sinabi ni Manaois, kung hindi nila mapipigilan ang kasalukuyang proseso ay malalagay sa “balag ng alanganin” ang libo-libong manggagawa na ngayon ay nagtatrabaho sa mara ming kumpanya sa North Harbor.
Inihayag naman ni Reli, sa kasalukuyang ay walang relocation plan para sa mga naninirahan sa North Harbor na isang malinaw na paglabag sa Urban Housing Development Act of 1992. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending