Re-appointment ng mga opisyal hanggang 3 lang dapat

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Se­ nator Benigno “Noynoy” Aquino III na dapat ipag­bawal ang mga lumang mukha sa Malacañang at limitahan na lamang sa tatlo ang re-appointment ng mga opisyal na hindi naman nakakapasa sa Commission on Appointments.

Ang pahayag ay mata­pos bigyan ng panibagong appointment paper ang 62 presidential appointees kabilang ang 5 Gabinete na na-bypassed ng CA.

“May nai-file akong bill na naglilimit ng reappoint, dapat hanggang tatlo lang. Kung maipasa iyon, kung maabot ang 3, hindi na puwedeng i-appoint ng Malacañang kahit saang posisyon,” ani Aquino.

Kabilang sa muling itinalaga ni Pangulong Arroyo sa puwesto sina Lito Atienza (DENR), Angelo Reyes (DOE), Ralph Recto (NEDA), Ma­rianito Roque (DOLE) at Press Secretary Cerge Remon­de.

Ni-reappoint din sina Civil Service Commission chairman Ricardo Saludo; Comelec commissioners Leonardo Leonida at Elias Yusoph; Ambassadors to Bahrain Ma. Corazon Yap-Bahjin at Ambassador to Poland Alejandro Del Ro­sario at 20 pang military officers. (Malou Escudero)

Show comments