Re-appointment ng mga opisyal hanggang 3 lang dapat
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Se nator Benigno “Noynoy” Aquino III na dapat ipagbawal ang mga lumang mukha sa Malacañang at limitahan na lamang sa tatlo ang re-appointment ng mga opisyal na hindi naman nakakapasa sa Commission on Appointments.
Ang pahayag ay matapos bigyan ng panibagong appointment paper ang 62 presidential appointees kabilang ang 5 Gabinete na na-bypassed ng CA.
“May nai-file akong bill na naglilimit ng reappoint, dapat hanggang tatlo lang. Kung maipasa iyon, kung maabot ang 3, hindi na puwedeng i-appoint ng Malacañang kahit saang posisyon,” ani Aquino.
Kabilang sa muling itinalaga ni Pangulong Arroyo sa puwesto sina Lito Atienza (DENR), Angelo Reyes (DOE), Ralph Recto (NEDA), Marianito Roque (DOLE) at Press Secretary Cerge Remonde.
Ni-reappoint din sina Civil Service Commission chairman Ricardo Saludo; Comelec commissioners Leonardo Leonida at Elias Yusoph; Ambassadors to Bahrain Ma. Corazon Yap-Bahjin at Ambassador to Poland Alejandro Del Rosario at 20 pang military officers. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending