^

Bansa

$5-milyong ransom hingi sa 2 ICRC workers

-

MANILA, Philippines - Humihingi umano ng $5 milyong ransom ang mga bandidong Abu Say­yaf Group (ASG) kapalit ng pagpapalaya sa dalawa pang nalalabing bihag na miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC) sa lalawigan ng Sulu.

Ito ang nabatid kaha­pon base sa dokumentong napasakamay ng mga mediamen sa Defense Press Corps.

Sa nasabing doku­mento ay nakumpirma ring nagbayad ng P20 milyong ransom para mapalaya si ABS-CBN reporter Ces Drilon at dalawa nitong crew na dinukot noong Hunyo 8, 2008 ng mga bandido sa Maimbung, Sulu.

Ang pagdukot sa 3 ICRC member at sa ABS–CBN news team ay pa­wang isinagawa ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Albader Parad na may $15M reward mula sa US government kapalit ng pagkakadakip o paglipol dito.

Nang hingan ng reak­syon, sinabi naman ni Lt. Col. Edgard Arevalo, spokesman ng ICRC hostage crisis na wala silang nalalaman sa sinasabing paghingi ng $5-M ransom ng Abu Sayyaf.

Nanindigan pa ang opisyal na nananatili ang ‘no ransom policy‘ ng gob­yer­no sa naturang hostage crisis. (Joy Cantos)

ABU SAY

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER ALBADER PARAD

DEFENSE PRESS CORPS

DRILON

EDGARD AREVALO

HUMIHINGI

INTERNATIONAL COMMITTEE OF THE RED CROSS

JOY CANTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with