MANILA, Philippines – Maglulunsad ng konsiyerto ang Radio Veritas 846 sa pagdiriwang ng ika-40 na anibersaryo nito na dadaluhan ng magagaling na singers na sina Jose Mari Chan, Karylle, Noel Cabangon, The Singing Priests, Himaya band at ng ilang anchors nito na gagawin sa Cuneta Astrodome, Roxas Boulevard, Pasay City sa Abril 12.
Pangungunahan ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang isang misa.
Magbibigay din ng award si Radio Veritas President Fr. Anton CT Pascual sa mga taong nagbigay ng kanilang panahon sa naturang anibersaryo.