Inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) sa ka song administratibo si Immigration Associate Commissioner Teodoro Delarmente sa pagtakas ng hinihinalang teroristang si Vo Van Duc, isang Vietnamese noong 2005.
Sa 14-pahinang resolusyon ng panel na pinamunuan ni Assistant Chief State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, napatunayang si Immigration confidential agent Marcelino Francis Agana ang responsable sa pagtakas ng nasabing dayuhan.
Sa rekomendasyon, dapat na masibak sa tungkulin si Agana kaugnay sa gross misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service and gross neglect of duty dahil sa sariling desisyon nito na sumunod sa isang babaeng colonel sa halip na sundin ang kanyang nakatataas na opisyal sa BI.
Sa imbestigasyon, inatasan si Agana ni P/Insp. Noel Espinoza upang eskortan at higpitan ang pagbabantay kay Vo Van Duc sa pagpapasuri sa San Juan de Dios Hospital.
Subalit nabatid na matapos ang pagpapasuri sa pagamutan pumayag pa umano si Agana na dalhin ang dayuhan sa Cherry Blossoms hotel sa Ermita, Maynila at doon nanatili sa halip na ibalik sa BI Bicutan jail.
Natukoy ng panel na sinunod umano ni Agana ang utos ni P/Supt. Wendy Rosario, hepe ng Civil Security Unit (CSU) na i-turn over si Vo Van Duc kay Joselito Pagaduan, dating BI confidential agent, sa kabila ng mahigpit na utos ni Insp. Espinoza na bantayan niya at eskortan ito.
Nadiskubre pa na hindi naman lumagda si Pagaduan sa turn-over document na magpapatunay na nasa kaniya ang kustodiya.
“All told, we find that Vo Van Duc was deported under highly questionable circumstances and that P/Supt. Wendy Rosario and P/Insp. Noel Espinoza were clearly responsible for the same,” ayon sa resolusyon ng panel.
Bukod kay Delarmente, pinawalang-sala rin sina Atty. Benjamin Kalaw, hepe ng BI Law Investigation Division (LID) at Dr. Elsie Lobrin, BI medical officer matapos matukoy na wala silang kinalaman sa pagta kas ng dayuhan. (Ludy Bermudo)