^

Bansa

Missile ng Nokor pinakawalan na

-

MANILA, Philippines - Pinakawalan na ng North Korea (Nokor) ang kanilang rocket na dumaan sa Japan at bumagsak sa Pacific Ocean kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, wala na­ mang napaulat na nasak­tan o na-damage sa pina­ka­walang Taepedong-2 rocket subalit umani ito ng pagkondena sa mga lider sa buong mundo.

Ayon sa international community, ang pagpapa­kawala ng Pyongyang, ang capital at pinakamalaking siyudad ng Nokor, ng Tae­pedong-2 rocket ay labag umano sa pinaiiral na UN Resolution 1718 kung saan inaatasan ng UN ang No­kor na suspindihin ang lahat ng aktibidad nito na may kaugnayan sa ballistic missile program. Ipinasa noong 2006 ang UN resolution kasunod ng isinagawang 40 segundong nuclear at missile test ng Nokor noong Hulyo 2006.

Isang emergency session na ang ipinatawag ng UN Security Council.

Sinabi ng mga lider sa iba’t ibang bansa na ang rocket ng Nokor ay hinihi­nalang “long range missile o nuclear test” na banta sa seguridad at kaligtasan sa buong Asia kabilang na ang Pilipinas.

Ang Nokor, isang communist country ay isa sa matitibay na bansa na kilala sa paggawa ng mga nu­clear weapons at missile na sinasabing” weapon of mass destruction” na pi­nangangambahang gugu­naw sa buong mundo.

Inihayag ng US government, South Korea at Japan na ang pagpapa­ka­wala ng Taepedong-2 roc­ket ng Pyongyang ay hini­hinalang isang disguised test na naka-disenyo na magkarga ng ‘warhead’ na may kakayahang umabot ang range nito hanggang Alaska o mas malayo pa.

Iniutos ni South Korean President Lee Myung-bak sa kanyang mamamayan na nagta-trabaho sa Nokor na lumikas dahil sa missile test.

Maging si US President Barrack Obama at ang ka­alyado ng Nokor na si Chinese President Hu Jintao ay nagpahayag ng kanilang pagtutol sa isinagawang missile launch ng Pyong­yang.

Una na ring nagbabala ang Japan na patatamaan nila ng kanilang anti-ballistic missile ang mga paka­kawalang rocket ng Nokor. Nauna na rin silang nag­pakalat ng missile interceptors sa karagatan at spy planes sa kalawakan ha­bang pinakilos ang war rooms ng Tokyo, Seoul at Washington.

Gayunman, nagbanta ang Nokor sa pamumuno ni Kim Yong-il sa hakbang ng Japan dahil nangangahu­lugan umano ng pagdedek­lara ng giyera o digmaan dahil posibleng tamaan din ng Japan anti-missile units ang dalawang spy planes ng Amerika.

Iginiit naman ng Nokor na ang isinagawa nilang ‘satellite’ launching ay isang maayos na pamamaraan upang mapalawak ang kanilang space program. (Ellen Fernando)

ANG NOKOR

AYON

CHINESE PRESIDENT HU JINTAO

ELLEN FERNANDO

KIM YONG

MISSILE

NOKOR

NORTH KOREA

PACIFIC OCEAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with