^

Bansa

2 pistachio galing US pinababawi ng BFAD

-

MANILA, Philippines - Bunga na rin ng pa­ngamba na kontamina­do ng salmonella, pi­na­ba­bawi ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) sa loob ng 24 oras ang dalawang pistachio pro­ducts na mula sa Esta­dos Unidos.

Lumilitaw sa Advisory 2009-004 ng BFAD, kaila­ngan na i-recall ang pro­dukto ng Setton Farms Premium California Roas­ted Salted Pistachios na ina­angkat ng Duty Free Philippines at ang Setton Farms Roasted Salted Pistachios na ini-import naman ng Andalucia Tra­ding Co. Inc..

“The BFAD has directed the above-named importers to immediately withdraw or cause the withdrawal within 24 hours from today of the above products from all market shelves,” naka­saad pa sa advisory na nilagdaan ni BFAD Director Leticia Gutierrez.

Ayon sa BFAD, ang advisory ay ipinalabas kasu­nod na rin ng isi­nagawang imbestigasyon ng US Food and Drug Administration sa salmonella contamination sa pistachio products na pro­dukto ng Setton Pistachio ng Terra Bella Inc. California at sa boluntar­yong pag­bawi nito sa kanilang processed pistachio products.

Matatandaang una nang ipinagbawal ng BFAD at ng Department of Health (DOH) ang pagtigil sa pag-aangkat ng pistachio products mula sa US matapos na pumutok ang isyu hinggil sa salmonella na posi­bleng taglay ng pistachio nuts. (Doris Franche)

vuukle comment

ANDALUCIA TRA

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR LETICIA GUTIERREZ

DORIS FRANCHE

DRUG ADMINISTRATION

DUTY FREE PHILIPPINES

SALTED PISTACHIOS

SETTON FARMS PREMIUM CALIFORNIA ROAS

SETTON FARMS ROASTED SALTED PISTACHIOS

SETTON PISTACHIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with