^

Bansa

DOLE nagbabala vs pekeng online jobs sa UK

-

Nagbabala kahapon si Labor Secretary Maria­nito Roque sa mga nag­hahanap ng trabaho sa mga recruitment agency na mag-ingat sa mga online jobs na inaalok ng bansang United Kingdom sa pangamba na ang mga ito ay peke.

Ayon kay Roque, da­pat na mag-ingat ang si­numan na tumugon sa alok na trabaho ng online jobs sa bansang UK na agad nanghihingi ng pera bilang bayad sa visa at work permit.

Sinabi ni Roque, sa report ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa London, umaabot na sa 200 emails ang kani­lang natatanggap upang beripikahin ang legalidad ng mga trabaho sa nasa­bing bansa na nakalagay sa internet.

Lumilitaw na nakaka­tanggap ng mga emails ang mga aplikante kasa­ma ang appointment letters, work confirmation, at employment contracts mula umano sa mga UK employers kung saan inuutusan ang mga apli­kante na kumuha ng kani­lang mga travel agencies, immigration firms, at solicitors mula sa ban­sang UK na makakatulong sa kanila.

Sa pagsisiyasat ng DOLE, ang mga job offers ay peke at illegal dahil ang visa application ay isinusumite ng personal ng aplikante.

Nilinaw din ni Roque na travel agencies, immigration consultants, recruitment firms, solicitors at mga ahente sa UK ay hindi awtorisadong ma­ging sponsor ng mga apli­kante. (Doris Franche)

AYON

DORIS FRANCHE

LABOR SECRETARY MARIA

LUMILITAW

NAGBABALA

NILINAW

PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICE

SHY

UNITED KINGDOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with