^

Bansa

RP inalerto sa 'missile launch'

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Inalarma kahapon ng aviation authority ng Japan ang lahat ng aircraft pilots at airlines officials na pumapasok at luma­labas sa kanilang palipa­ran kabilang na ang mga eroplano mula sa Pilipi­nas na mag-ingat at ma­ging maagap sa posib­leng anti-ballistic missile na isasagawa sa kanilang airspace.

Sa ipinalabas na aviation advisory, pinapayu­han ang mga piloto at mga opisyal ng iba’t ibang airlines na doblehin ang kanilang pag-iingat para sa pinalilipad na mga eroplano sa piling kala­wakan ng Japan dahil sa magiging epekto ng isa­sagawa nilang anti-ballistic missile.

Sinabi pa sa notice na ang anti-ballistic missile ay pakakawalan upang sirain at kontrahin naman ang mga ballistic missile o ibang kahalintulad na object gaya ng rocket na pakakawalan umano ng Pyongyang.

Ang “Notice to Airmen” o NOTAM ay ipina­la­bas ng Air Traffic Flow Management Center ng Transport Ministry sa Japan bago ang planong pagpapakawala ng rocket ng Pyongyang.

Base sa report, nag­padala na ang pamaha­laang Japan ng Patriot guided-missile fire units sa Akita at Iwate prefectures at maging sa Tokyo kung saan inaasa­ hang lilipad ang rocket, upang tirahin naman pababa ang mga parte ng rocket na posibleng babagsak sa mga nasa­bing lugar.

Unang inihayag ng Pyongyang na isasagawa ang pagpapakawala ng rocket sa pagitan ng Abril 4 hanggang Abril 8.

vuukle comment

ABRIL

AIR TRAFFIC FLOW MANAGEMENT CENTER

AKITA

INALARMA

IWATE

PILIPI

SHY

SINABI

TRANSPORT MINISTRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with