^

Bansa

PGMA, Sen. Enrile Nagagamit sa jueteng

-

MANILA, Philippines - Mananagot sa batas ang isang umano’y negos­yante na nakilala lang sa pangalang “Cuevas” dahil sa paggamit umano nito sa pangalan ni Pangulong Gloria Arroyo at Senador Juan Ponce Enrile sa pag-ooperate ng jueteng.

Bukod kina Pa­ngu­long Arroyo at Enrile, gina­gamit din daw ni Cuevas ang pangalan ni Mamang Pulis­ Director General Jesus A. Verzosa.

Ayon sa source, gina­gamit umano ni Cuevas ang pangalan ng mga ito sa tuwing may huma­harang sa kanyang illegal na negosyo at personal pa itong nakakahiling sa PNP-Criminal Investigation and Detectin Group na i-assist ang kanyang ope­ras­yon sa isang lugar.

“Lahat nga mina­man­duhan niya na para hu­wag makialam sa kan­yang operasyon, matindi talaga dahil maski law enforcement agencies, inu­utusan para suportahan din ang kanyang trabaho. Wala lang talaga silang magawa dahil panay ang sambit sa mga pangalan ‘diumano ng kanyang padrino,” anang source.

Bunsod nito’y hiniling ng source na maim­bes­tigahan ang nasabing ne­gosyante upang ma­hinto na ang illegal na operas­yon nito ng jueteng. “Untouchable” raw si Cue­vas dahil sa pagla­lagay uma­no nito sa mga kila­lang pu­li­­tiko ng ma­laking ha­laga. (Butch Quejada)

AYON

BUKOD

BUTCH QUEJADA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIN GROUP

CUEVAS

DIRECTOR GENERAL JESUS A

MAMANG PULIS

PANGULONG GLORIA ARROYO

SENADOR JUAN PONCE ENRILE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with