NLEX-SLEX road project lilikha ng 107,000 trabaho
MANILA, Philippines - Ipinagmalaki kahapon ni Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) president Manuel V. Pangilinan kay Pangulong Arroyo na makakalikha ng 107,000 trabaho ang 5-taong konstruksyon ng North Luzon Expressway-South Luzon Expressway connector road project.
Pinangunahan ni Pangulong Arroyo ang groundbreaking ng segment 8.1 project ng NLEX Phase 2 sa Ugong, Valenzuela City.
Ayon kay Mr. Pangilinan, ang segment 8.1 project ay gagastusan ng P2.1 bilyon, habang ang segment 9 at 10 naman ay popondohan ng P10 bilyon samantalang ang NLEX-SLEX connector road naman ay P16 bilyon at ang Skyway 2 naman ay mahigit P10 bilyon na mayroong kabuuang P38 bilyon.
Ipinaliwanag pa ni Pangilinan kay PGMA na mapapabilis na ang travel mula sa Northern Metro Manila patungo sa Southern part ng Metro Manila at Southern Luzon sa sandaling matapos ang nasabing proyekto.
Dumalo din sa groundbreaking ceremony sina Caloocan Mayor Recom Echiverri, Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian, Valenzuela Rep. Rex Gatchalian, Valenzuela Rep. Maggi Gunigundo at iba pang opisyal ng national government. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending