^

Bansa

10 Jemaah utak sa kidnap

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sampung miyembro ng hinihinalang Jemaah Islamiyah (JI) terrrorist kabilang ang isang Sin­gaporean ang umano’y utak sa pakidnap ng mga bandidong Abu Sayyaf sa tatlong bihag na International Committee of the Red Cross (ICRC) workers sa Sulu.

Kinumpirma kahapon ni AFP-Western Mindanao Command (Westmincom) Chief Lt. Gen. Nelson Allaga na namataang tu­matakbo ang 10 JI kasama ang mga bihag na sina Andreas Notter, Eugenio Vagni at Marie Jean Lacaba. 

“May 10 JI terrorist ang namonitor ng aming mga intelligence operative sa kuta ng mga kidnapper sa kagubatan ng Sulu,” sabi ni Allaga.

Ang nasabing mga JI terrorist ang hinihinalang nagsusuplay ng armas at nagdidikta sa mga ban­didong Abu Sayyaf ka­ugnay ng hakbangin ng mga ito laban sa tatlong bihag.

Aniya, nagpapalipat-lipat lamang ang mga ito ng taguan sa kagubatan ng Mt. Tukay sa hang­ganan ng mga bayan ng Indanan, Parang at Ma­imbung pero hindi pa sila nakakatakas. Ang lugar ay mahigpit na kinokordon ng tropa ng pamahalaan.

Muli ring inulit nito na positibo silang buhay pa ang mga bihag bagaman wala pang pruweba rito.

Ginawa ni Allaga ang paniniyak dahil sa kuma­kalat na ulat na pinugutan na umano ng Abu Sayyaf ang mga bihag.

Naunang nagbanta ang Abu Sayyaf na pupu­gutan nila ang mga bihag kung hindi ganap na li­lisanin ng militar ang Sulu hanggang nitong hapon ng Marso 31.

Sa kabila naman ng paniniyak ni Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno na buhay pa ang mga bihag, naghihintay pa rin ng kon­kretong balita ang ICRC sa kalagayan ng tatlo nilang miyembro o pruwebang buhay pa ang mga ito.

Ayon kay Alain Aes­chlimann, Director ng ICRC sa Timog Silangang Asya, patuloy nilang ipi­nagdarasal na sana ay hindi itinuloy ng mga ban­dido ang bantang pamu­mugot ng ulo at sa halip ay pinalaya na lamang nang walang kondisyon sina Notter, Lacaba at Vagni.

Hanggang sa kasa­lukuyan, wala pa rin silang kontak sa kanilang mga kasamahan at maging sa grupo nina Abu Sayyaf Commander Al­bader Pa­rad at Abu Jum­dail alyas Dr. Abu Pula na siyang may hawak sa mga bihag.

ABU

ABU JUM

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER AL

ALAIN AES

ALLAGA

ANDREAS NOTTER

BIHAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with