5 mahihirap na estudyante bagong iskolar ni First Gentleman

MANILA, Philippines - Limang mahihirap ngunit matatalinong es­tudyante ng medisina ang tiyak nang makakapag­patuloy ng kanilang pag-aaral matapos mapili bilang mga bagong is­kolar ng First Gentleman Foundation Inc. Bagong Doktor Para sa Bayan.

Ang lima na mag-aaral mula sa West Vi­sayas State University (WSVU) ay kinilalang sina Rowena Alcido, Christine Rio Bistis, Norie Grace Omamalin, Ana Lor-Sha Villaber at Lotgrada Ta­yao. SIla’y pawang mga papasok na fourth year medical student, hindi lamang dahil sa kanilang talino kundi sa kanila na ring mainit na kagus­tuhang makatulong sa mga may-sakit.

Makakasama nina Alcido, Bistis, Ommalin, Villaber at Tayao, ang 35 iba pang mga iskolar ng Batch 4 mula sa University of the Philippines (UP) at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). (Butch Quejada)

Show comments