Ducut bagong Energy Regulatory Commission chief
MANILA, Philippines - Itinalaga ni Pangulong Arroyo bilang chairman ng Energy Regulatory Commission (ERC) mula sa pagiging acting chair si dating Pampanga Rep. Zenaida Ducut.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita sa media briefing nito sa Malacañang, ang termino ni chair Ducut ay hanggang sa July 10, 2015.
Bukod dito, itinalaga din bilang chairman ng National Renewable Energy Board si dating Energy Secretary Vince Perez.
Samantala, nagkaloob naman ng conditional pardon si Pangulong Arroyo kay Ferdinand Bala habang inaprubahan din ni PGMA ang commutation of sentence sa may 10 preso. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending