2 na lang para sa Lakas bet sa 2010

MANILA, Philippines - Dalawa na lang ang pinagpipilian ng maka­admi­nistrasyong partidong Lakas-CMD para maging kan­didato nito sa halalang pampangu­luhan sa susunod na taon.

Kinumpirma kahapon ni Lakas Secretary General­ at Senador Juan Miguel Zubiri na kabilang na lang sa pinagpipilian ng partido sina Vice Pre­sident Manuel “Noli” de Castro Jr. at Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro.

“Puwede ko nang banggitin iyong top choices ng party. Si Vice President Noli De Castro at Secretary Gilbert Teodoro. Another choice, outsider,” sabi ni Zubiri. (Malou Escudero)


Show comments