2 suspek di raw staff ni Enrile

MANILA, Philippines - Nilinaw kahapon ng tanggapan ni Senate President Juan Ponce Enrile na hindi niya staff sina Alex Dacoco at Edilberto Videl na ina­resto ng pulisya sa Mala­bon noong Linggo ng gabi dahil sa pagla­laro ng tong-its.

Ayon sa isang paha­yag na ipinalabas ni Yvonne Caunan, media relation officer ni Enrile, sinabi ng security officer nito na, staff man o hindi ng senador ang mga sus­ pek, mahigpit ang bilin sa kanila ng mam­babatas na hindi nito kukunsintihin ang pag­gamit ng panga­lan nito ninuman.

Ayon pa sa pahayag, si Vidal ay hindi kailan­man naempleyo sa anu­mang tanggapan ni Enrile ha­bang si Dacoco ay na­empleyo sa isa sa mga kumpanya ng pa­milya ng senador, anang officer.


Show comments