MANILA, Philippines - Patay ang karpinterong si Norbert Malana Hobayan habang sugatan ang isa pang Pilipino na si Rolando Tricenio nang tamaan ng mortar makaraang sugurin ang kampo ng militar sa Afghanistan noong Biyernes.
Sa natanggap na ulat ni Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos Jr., sina Hobayan at Tricenio ay nagtatrabaho sa Kandahar airbase, southeast ng Kandahar City nang atakihin ng mortar shells ang kampo.
Paiimbestigahan naman ni Conejos kung paano nakapasok sa naturang bansa ang dalawang biktima sa kabila ng umiiral na deployment ban ditto.
Ipinahinto ng gobyerno ang pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers sa Afghanistan, Nigeria, Jordan, Iraq at Lebanon simula noong 2001. (Pia Lee Brago)