MANILA, Philippines - Nagbabala ngayon si Joey de Venecia III na plano pa ring isulong ng lideratong Arroyo ang pag-amyenda sa saligang batas o ang Charter change at gagamitin nitong instrumento ang Mababang Kapulungan upang maipatupad ito.
Partikular na tinukoy ng batang de Venecia ang dalawang anak ni Gng. Arroyo at ang mga kaalyado nitong mga mambabatas sa Kamara, na siya umanong mangunguna sa pagsu sulong ng Chacha.
Ani Joey, lumalabas na ang tunay na kulay at motibo ni Gng. Arroyo na wala umano itong balak na iwan ang pinakamataas na puwesto sa pulitika sapagkat lihim itong gumagawa ng paraan upang maipatupad ang pag-amyenda sa saligang batas.
Naniniwala ang mga anti-Chacha proponents tulad ni Joey na dadalhin sa atensyon ng Korte Suprema ang usapin hinggil sa 3/4 votes, subalit ito ay sa sandaling maitalaga sa pinakamataas na Hukuman ang mga kaalyado ni Pangulong Arroyo. (Butch Quejada)