^

Bansa

Hong Kong columnist pinapa-blacklist

-

MANILA, Philippines - Umalma ang samba­yanang Pilipino laban sa isang Hong Kong columnist makaraang tawagin nito sa kanyang artikulo sa HK magazine ang Pilipinas na bansa ng mga alipin o “nation of servants”.

Sa naturang artikulo ni Chip Tsao na may titulong “At War at Home,” naka­saad na walang karapatan ang Pilipinas na angkinin ang Spratlys at kunin ito mula sa China dahil isa ang huli sa mga bansang nagpapa­sahod sa mga Pinoy na nagtatrabaho bilang domestic helpers.

Inutusan pa ni Tsao ang kanyang kasambahay na Pinay na sabihin sa lahat ng DH doon na ang Spratly ay pag-aari ng China at kung magkaka­giyera ay ma­ pipilitan umano si Tsao na pauwiin at sibakin ang kanyang katulong.

Bunsod nito, nana­wagan si Parañaque Rep. Roilo Golez na iboykot ang pagbiyahe sa HK at pag­tangkilik sa kanilang mga produkto pati na mga pag­kain sa loob ng 6 na buwan.

Sa Senado, pinakaka­suhan naman ni Sen. Chiz Escudero si Tsao dahil na­ka­taya dito ang paninin­digan ng bansa, samantala public apology naman ang hingi ni Sen. Pia Cayetano.

Pinakilos na ng Mala­cañang si DFA Sec. Alberto Romulo para utusan ang Philippine Consulate sa HK para magsagawa ng pag-aaral kung ano ang epekto ng pang-aalipusta ni Tsao sa mga Pinoy. Hini­ling din ni Labor Under­secretary Susan Ople na i-blacklist si Tsao sa Pilipi­nas at idek­larang “undesirable alien” at persona non grata.

Habang isinusulat ang balitang ito, humingi na ng paumanhin ang publisher ng HK ma­gazine. (Butch Quejada/Malou Escudero/Ellen Fernando / Mer Layson/Rudy Andal)

ALBERTO ROMULO

AT WAR

BUTCH QUEJADA

CHIP TSAO

CHIZ ESCUDERO

ELLEN FERNANDO

HONG KONG

LABOR UNDER

SHY

TSAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with