MANILA, Philippines - Isinusulong ni Valenzuela City Liga ng mga Barangay President, Councilor Alvin “Isko” Feliciano ang pagpapatupad sa Valenzuela-Obando-Meycauayan (VOM) flood control project na magsisilbing tulong sa mga residente upang maibsan ang baha sa kanilang mga lugar.
Ayon kay Feliciano, ang VOM flood control project ang isang paraan at lunas upang tuluyang mawala ang problema sa baha ng mga residente ng Valen zuela City at ilang lugar sa lalawigan ng Bulacan.
Aniya, nakikipag-ugnayan na rin ang kanyang tanggapan sa ilang mga lugar sa Bulacan na makikinabang sa proyektong ito upang maobliga ang national government na ipatupad na ang nakabinbing VOM flood control project.
Nabatid pa sa konsehal na ilang opisyal na rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanya nang kinausap hinggil sa proyektong ito.
Nangangamba kasi ang mga taga-Valenzuela sa posibilidad na mapunta sa kanilang lugar ang tubig na itatapon ng CAMANAVA mega flood control project kaya’t iba’t-ibang proyekto na ang ginagawa nina Mayor Sherwin “Win” Gatchalian at 1st District Congressman Rex Gatchalian upang maibsan ang problema sa baha sa kanilang lungsod. (Lordeth Bonilla)