^

Bansa

Pagbaha sa Valenzuela-Obando-Meycauayan sosolusyunan

-

MANILA, Philippines - Isinusulong ni Valen­zuela City Liga ng mga Ba­rangay President, Coun­cilor Alvin “Isko” Feliciano ang pagpapatupad sa Valenzuela-Obando-Mey­cauayan (VOM) flood control project na magsisilbing tulong sa mga residente upang maibsan ang baha sa kanilang mga lugar.

Ayon kay Feliciano, ang VOM flood control project ang isang paraan at lunas upang tuluyang mawala ang problema sa baha ng mga residente ng Valen­ zuela City at ilang lugar sa lalawigan ng Bulacan.

Aniya, nakikipag-ugna­yan na rin ang kanyang tanggapan sa ilang mga lugar sa Bulacan na maki­kinabang sa proyektong ito upang maobliga ang national government na ipa­tu­pad na ang nakabinbing VOM flood control project.

Nabatid pa sa konsehal na ilang opisyal na rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanya nang kinausap hing­gil sa pro­yektong ito.

Nangangamba kasi ang mga taga-Valenzuela sa posibilidad na mapunta sa kanilang lugar ang tubig na itatapon ng CAMANAVA mega flood control project kaya’t iba’t-ibang proyekto na ang ginagawa nina Mayor Sherwin “Win” Gat­chalian at 1st District Congressman Rex Gatchalian upang maibsan ang prob­lema sa baha sa kanilang lungsod. (Lordeth Bonilla)

BULACAN

CITY LIGA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DISTRICT CONGRESSMAN REX GATCHALIAN

FELICIANO

LORDETH BONILLA

MAYOR SHERWIN

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SHY

VALEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with