'Ituloy mo Bro. Eddie'

MANILA, Philippines - Ito umano ang payo ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde kay Jesus is Lord (JIL) Movement Bro. Eddie Villanueva sa kanilang pag-uusap sa telepono tungkol sa plano ng huli na tumakbo sa 2010.

Si Velarde ay napabalita rin na planong kumandidato sa 2010 pero hindi umano tumutol sa posibleng pagtakbo ni Villanueva. Gayunman hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakakapagdesisyon si Villanueva kung sasabak itong muli sa 2010 presidential race.

Ayon kay Villanueva, ang desisyon niyang pamunuan at buuin ang bagong political movement na Bagong Pili­pinas, Bagong Pilipino Movement ay hindi nanga­­­­nga­ hulugang sasabak na nga siya 2010. Aniya, binuo niya ang grupo para sa seryo­song pagbabago at hindi para sa kanyang pagtakbo.

Ayon sa mga miyembro ng bagong tatag na political movement, sa sandaling magdesisyon si Villa­nueva na tumakbo muli ay siya ang magi­ging standard bearer ng BPBPM habang pinag-iisipan umano nilang hikayatin para sa vice presidential slot si Pampanga Gov. Ed Panlilio.

Si Villanueva ay tumakbo sa Pagka-Pangulo noong 2004 elections sa ilalim ng Bangon Pili­pinas party ngunit tinalo ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Mer Layson)

Show comments