^

Bansa

Atras o pugot?

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Hindi umano kuntento ang mga bandidong Abu Sayyaf sa limitadong pullout ng Philippine Marines sa Sulu at iginiit na ang nais nila ay “total pullout” ng lahat ng puwersa ng pamahalaan sa lalawigan.

Sinabi ni Sulu Gov. Ab­dusakur Tan, ang nangu­nguna sa mga negosyador ng pamahalaan, walang pakakawalang bihag ang bandido dahil hindi umano katanggap-tanggap na 1,000 puwersa lamang ng Marines, pulis at armadong mga volunteers ang inalis sa lugar.

Sa ultimatum ng Abu Sayyaf, binigyan nito ang pamahalaan na alisin ang puwersa sa kanilang kina­roroonan hanggang bukas (Martes).

Dahil dito, hindi pa rin malinaw ang kapalaran nina ICRC workers An­dreas Notter, Eugenio Vagni at Mary Jean Lacaba matapos ang banta ng Abu Sayyaf na pupugutan ang isa sa mga ito kung hindi tutugon ang pamahalaan sa kanilang demand.

Aminado naman si Tan na imposibleng pagbigyan ang hiling ng Abu Sayyaf na limitahan lamang sa dalawang barangay sa bayan ng Jolo ang pwersa ng militar at pulisya.

Idinepensa naman ni Department of the Interior and Local Government Sec­retary Ronaldo Puno ang pag-uutos niya na iatras ang lahat ng pu­wersa ng pama­halaan sa lalawi­gan ng Sulu kasabay ng mga batikos na sunud-sunu­ran ang pama­halaan sa ban­ di­dong Abu Sayyaf Group.

Sinabi ni Puno na ba­gaman pinagbigyan ang mga kidnaper, hindi ito nangangahulugan na hawak na ang pamaha­laan sa leeg ng mga ban­dido. Nais lamang umano nila ipakita ang sinseridad ng pamahalaan sa kasun­duang palalayain ang isang bihag sa oras na mag-pull out ang pama­halaan.

Naging mahaba uma­no ang diskusyon kasama ang iba pang opisyales ng pamahalaan at ang pull-out ng tropa ng pama­halaan ay kanilang napag­kasunduan dahil sa pangu­nahing konsideras­yon pa rin nila ang kaligta­san ng tat­long biktima.  

Samantala, nakatak­dang tumulak ngayon pa­tungo sa lalawi­gan ng Sulu ang kontro­ber­syal na si Major Ferdinand Mar­celino makaraang big­yan ng “go-signal” ni Phi­lippine Drug Enforcement Agency Director General Dionisio Santiago Jr. na tu­lungan ang kanyang mga kasa­mahan sa Marines.

Inihayag ni Marcelino ang interes nito na mag-leave nitong Marso 24 upang hindi umano madu­ngisan ang isinasagawang imbestigasyon laban sa kanya. Kasabay nito, iniha­yag nito ang interes na magtungo sa Sulu upang tumulong sa kanyang mga kapatid sa Philippine Marines na labis na umano niyang kinasasabikan.        

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY DIRECTOR GENERAL DIONISIO SANTIAGO JR.

EUGENIO VAGNI

MAJOR FERDINAND MAR

PHILIPPINE MARINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with