^

Bansa

'Tamper proof' ID suportado ni Echiverri

-

MANILA, Philippines - Sinusuportahan ni National Liga ng mga Barangay (LnB) President Ricojudge “RJ” Echiverri ang pagka­karoon ng isang “tamper-proof” o hindi maaaring dayain na national identification (ID) system na maga­gamit ng mahigit 144,000 barangay sa bansa.

Ayon kay Echiverri, ang naturang identification card ay maaaring pareho o kaya’y katulad ng national ID system na unti-unting pinatutupad sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at mga government-owned and controlled corporations.

Bagama’t mapadadali ng isang national ID system ang pagbibigay ng benepisyo at serbisyo sa mga opisyal ng barangay, binigyang-diin naman ng national LnB president na mahalaga ring tiyakin na may sapat itong seguridad at teknolohiyang hindi madadaya na gaya ng biometrics, photo identification at hindi naku­kurap na database. (Butch Quejada)

AYON

BAGAMA

BARANGAY

BUTCH QUEJADA

ECHIVERRI

NATIONAL

NATIONAL LIGA

PRESIDENT RICOJUDGE

SINUSUPORTAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with