^

Bansa

Erap, Binay lusot na sa 'gun toting '- PNP

-

MANILA, Philippines - Lusot na sa posibleng kaso ng ‘gun toting’ sina dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada at Makati City Mayor Jejomar Binay matapos ang mga itong makunan ng video footage at larawan habang lulan ng isang behikulong may gun replica ng 50 caliber machine gun sa Carmen, Cebu. 

Ito’y matapos na linawin ni PNP-Civil Security Group Director, Chief Supt. Ireneo Bacolod na base sa kanilang isinagawang imbestigasyon ay walang nilabag na batas sina Erap at Binay.

Una rito, ipinag-utos ni PNP Chief Director Jesus Verzosa na imbestigahan ang insidente na nakarating sa kanyang kaalaman hinggil sa umano’y pagba­ban­dera ng 50 caliber machine gun replica noong Marso 4 nina Erap at Binay sa Carmen, Cebu.

Ipinaliwanag ng opisyal na sa kanilang imbesti­gasyon ay napatunayan nilang toy gun lamang at hindi rin maikukumpara sa naturang klase ng armas ang naturang motif ng sasakyan.

Idinagdag pa ni Bacolod na ang nasabing toy gun ay ibabalik na nila kay Carmen Mayor Sonia Pua. (Joy Cantos)

vuukle comment

BINAY

CARMEN MAYOR SONIA PUA

CEBU

CHIEF DIRECTOR JESUS VERZOSA

CHIEF SUPT

CIVIL SECURITY GROUP DIRECTOR

ERAP

IRENEO BACOLOD

JOY CANTOS

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR BINAY

PANGULONG JOSEPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with