39 OFWs tinulungan ni Noli
MANILA, Philippines - Maglalaan ng job trainings si Vice-President at Presidential Adviser on Overseas Filipino Worker (OFW) Noli de Castro para sa 39 biktima ng Illegal recruiter sa Malaysia na dumating sa bansa noong Lunes.
Ayon kay de Castro, hindi dapat na matakot ang mga umuwing OFWs dahil bibigyan ang mga ito ng pagkakataon para magkaroon ng skills and job trainings upang muling makapag-abroad.
Ang 39-biktima ay tinu lungan din ni de Castro na magkaroon ng pamasahe sa eroplano at pagkakaroon ng diskwento sa Immigration compound penalties.
Bukod sa nasabing tulong ay binigyan din ni de Castro ang isa sa mga ito na si Heline Langeres na may komplikasyon sa katarata.
Dahil dito’y pinaalalahanan ni de Castro ang mga Pinoy na nais mag-abroad na sundin ang tamang proseso at makipag-ugnayan sa Philippine Overseas Employment Agency upang di mabiktima ng mga illegal recruiter.
Ang repatriation ng 39-OFWs ay resulta ng pagkakaisa ng Philippine Overseas Labor Office at ng Assistance to Nationals. (Mer Layson)
- Latest
- Trending