Tax on text dagdag pahirap
MANILA, Philippines - Ang planong pagbuhay sa panukalang buwisan ang SMS o ang short messaging service sa mga mobile phone ay hindi ang naaayong paraan upang madagdagan ang kita ng gobyerno.
Ayon kay Joey De Venecia III, dagdag pahirap lamang umano ang panukalang ito sa mga Pilipino sapagkat bilang reaksyon ng mga telecommunications company sa dagdag buwis, sa mamamayan nila ipapasa ang mga dagdag bayarin.
Mababatid na binuhay sa Mababang Kapulungan ang panukalang “tax on text” upang anila’y makatulong sa government revenue.
Isa sa mga sumusuporta sa panukalang ito si Trade and Industry Secretary Peter Favila.
Sa panig naman ni NEDA Secretary Ralph Recto, sinabi nitong sapat na buwis na ang ibinabayad ng malalaking telecommunication companies na Globe, Smart at Sun, kaya’t di aniya makatarungang patawan pa sila ng panibagong dagdag buwis.
“Ang sobra-sobrang pagpapataw ng buwis sa maha halagang sangay ng komunikasyon ay di lamang pagpapahirap sa industrya nito kundi maging sa publiko,” ani Joey. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending