Guilty hatol sa abogada na nagkanlong kay Faeldon

MANILA, Philippines - Hinatulan ng guilty ng AFP-General Court Martial (GCM) si Atty. Candelaria Rivas dahil sa pagkakanlong at pakikipagrelasyon sa wanted na si Magdalo leader Captain Nicanor Faeldon.  

Ayon kay Col. Flo­ren­tino Manalasta, Pre­sident ng GCM, sa bo­tong 2/3 ng mga miyem­bro ng military prosecutors, hinatulang madis­mis sa serbisyo si Rivas matapos ang secret balloting kahapon.

Si Rivas ay napatu­nayang lumabag sa Articles of War (AW) 96 unbecoming an officer matapos makipag­relas­yon kay Faeldon, may patong sa ulong P1M na kinanlong nito.

Si Rivas ay sinasa­bing nagkaroon ng re­las­yon sa isa sa lider ng Magdalo na si Faeldon na hanggang ngayon ay pinaghahanap ng batas matapos na makatakas sa ikalawang pagkaka­taon sa Manila Peninsula siege sa Makati City noong Nobyembre 29, 2007.

Kabilang rin si Fa­eldon sa grupo ni dating Navy Lt. Senior Grade at ngayon ay Sen. Antonio Trillanes IV sa mga su­ makop sa Oakwood Premiere Hotel sa Makati City noong Hulyo 27, 2003 o ang bigong ku­deta laban sa gob­yerno.

Unang tumakas si Faeldon noong Dis­yembre 14, 2005 at na­sakote sa bahay ni Rivas ng sumunod na buwan noong 2006 sa Brgy. Tugatog, Malabon City.

Inihayag naman ni Atty. Danielo Jimenez, legal counsel ni Rivas na hindi nila iaapela ang kaso. (Joy Cantos)

Show comments