MANILA, Philippines - Bilang tulong sa mga papaalis na overseas Filipino workers, nagpamudmod ang Smart Communications, Inc. ng may kalahating milyong Smart SIM card sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang bahagi ng programang “SIM-pleng Pabaon ng Smart”.
Ayon kay Ma. Lourdes Reyes, chairman ng Airline Operators Council (AOC) at KLM airline personnel sa NAIA, napagkasunduan nila ng Smart Mainstream Acquisition Consumer Division sa pangunguna ni Kathryn Carag, na mamigay ng Smart Pinoy Sim card sa OFWs na pasahero ng Gulf Air, Saudia Airlines, emirates Air, Northwest Airlines, KLM, Cathay Pacific, Japan Airlines at iba pang international airlines.
Sinimulan ng Smart at AOC sa NAIA terminal 1 ang programang “SIM-pleng Pabaon ng Smart” sa lahat ng OFWs na ang layunin ay makapagtipid at makausap ang kanilang minamahal sa buhay na nasa Pilipinas sa pamamagitan ng text na mas mura ang singil kaysa sa ordinaryong sim card. (Ellen Fernando)