^

Bansa

Law graduates inalok na magtrabaho sa Public Attorney's Office

-

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Public Atty’s Office (PAO) sa mga law graduates na papasa sa bar exam ngayong Abril na pumasok dito upang mapunan ang pangangailangan nila sa mga abogado.

Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, 600 pa na mga abogado ang kailangan ng PAO dahil sa ngayon ay 1,048 ang PAO lawyers.

Sa Ilalim ng RA 9406 o PAO law na nilagdaan noong Marso 2008 ni Pangulong Arroyo, ang bilang ng abogado ay dapat sindami din ng bilang ng husgado na ngayon ay umaabot ng 2,290 sa buong Pilipinas.

Mandato ng bagong batas na mabigyan ng konsentrasyon ang mga bagong abogado na itatalaga sa mga labor cases, gayundin sa pagtulong sa mga pulis, biktima na qualified sa serbisyo ng PAO.

Nilinaw pa ni Acosta na uunahing bigyan ng tig-iisang abogado ang mga family courts, special criminal courts at mga husgado na araw-araw nagbi-bista na kailangang may nakatalagang isa lamang abogado. (Gemma Amargo-Garcia/Angie dela Cruz)

ABOGADO

ABRIL

ACOSTA

ANGIE

CHIEF PERSIDA RUEDA-ACOSTA

GEMMA AMARGO-GARCIA

PANGULONG ARROYO

PUBLIC ATTY

SA ILALIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with