Delos Angeles, 19 pa sinampahan na ng syndicated estafa

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Sen. Mar Roxas ang pagsasampa ng ng kasong syndicated estafa laban sa negosyante si Celso Delos Angeles at 19 pang opisyal ng Legacy Consolidated Plans Inc., (LCPI).

Kasama ni delos Angeles na nakasuhan ang asawa niyang si Maria Concepcion, ang anak na si Niccolo Martin, Purita delos Angeles, Victorino delos Angeles, Atty. Christine Limpin, Medeline Cobbarubias, Atty. Norman Tiongson, Bishop Ignacio Soliba, Ladho Chugani, Ricardo Solomon, Arcatomy S. Guarin, Elvira P. Garcia, Cecille Invencion, Monina Vierneza-Dio, Edgardo Marasigan, Elvira Nebre, Teresita Tica, Josefina Castaneda at Agnes Santiago.

Natangay mula sa anim na biktima ang P705,101.40 na premium payments ng mga Ito ng mabulgar na nagwaldas umano si delos Angeles ng milyong piso ng kompanya sa tulong daw ng mga opisyal ng Legacy.

May mga ebidensiya na nagpapatunay umano na nagamit ang mga salaping ito sa mga personal na gastusin tulad umano ng perang ginamit ng huli sa kanyang kampanya bilang mayor ng Sto. Domingo, Albay noong 2007; pagpapa-ayos ng kanyang yate, pati na ang mga bayarin sa kuryente, maid at labada sa kanyang bahay. (Rose Tamayo-Tesoro/Malou Escudero)

Show comments