Mancao nagpasaklolo kay Gonzalez

MANILA, Philippines - Huling bahagi pa lamang ng taong 2008 ay naka­ tanggap na si Department of Justice Secretary Raul Gonzalez ng mga mensahe mula kina dating Police Senior Superintendent Cezar Mancao at sa asawa nitong si Maricar sa pamamagitan ng email.

Unang natanggap ni Gonzalez ang email noong Disyembre 19, 2008 sa pamamagitan ng email ng kanyang anak na si Congressman Raul Gonzalez na finder@skynet.net mula sa email address na Mancao@bellsouth.net ng mag-asawa.

Nilalaman din ng email ang nakasaad sa bagong affidavit ni Mancao na naghahayag ng nalalaman niya sa pagkakapaslang sa publicist na si Salvador Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito noong 2000.      

Noon ding Disyembre 23, 2008, nakatanggap din ang kalihim ng email mula sa maricarsalva@lycos.com na nagtatanong kung natanggap niya ang sulat/email. Tinawagan pa kinaumagahan ng mag-asawa sa telepono si Gonzalez para makausap ito.

Noon ding Enero 2, 2009, muling nakatanggap si Gonzalez ng email na, rito, hinihiling ni Mancao na bigyan ng prayoridad ang Dacer-Corbito case na magsisilbing basehan para sa kanyang extradition. Ito ang maaaring dahilan kaya hindi na kinuwestyon ni Mancao ang extradition laban sa kanya.

Natanggap ng manunulat na ito ang kopya ng mga emails na nakasilid sa isang brown envelope at merong isang maikling sulat na nagsasabing pinasisinunga­li­ngan ng naturang mga email ang depensa ni Senador Panfilo Lacson na hindi siya isasabit ni Mancao sa Dacer-Corbito murder case.

Sa mga email, nais ng kampo ni Mancao na maging state witness ito sa naturang kaso. Natanggap ng kalihim ang huling email noong Marso 12, 2 009 mula sa abogado ni Mancao na si Arnedo Valera na humihingi ng kundisyon sa pagbabalik ng kliyente nito sa Pilipinas.

Nagpahayag ng pagkagulat at pagkairita si Gon­zalez nang tanungin tungkol sa naturang mga email.

Show comments