Special courts sa media killings aprub sa PNP
MANILA, Philippines - Pinaboran kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang panukala ng dayuhang media organization na magtatag ng espesyal na korte na hahawak sa kaso ng mga pinapaslang na mediamen sa Pilipinas .
Sinabi ni PNP spokesman Chief Supt. Nicanor Barto lome na ang suhestiyon ng Committee for the Protection of Journalists (CPJ) na magkaroon ng korte na pangunahing tututok sa kaso ng mga pinapaslang na mamamahayag ay isang magandang hakbang tungo sa ikabibilis ng paglutas sa naturang uri ng krimen.
Tinukoy ni Bartolome na ang mga naitayong special courts para sa mga kasong tulad ng illegal na droga, karumal-dumal na krimen gaya ng kidnapping for ransom ay naging matagumpay para maparusahan ang mga nasasangkot sa paglabag sa batas ukol dito.
Sa tala ng CPJ, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang maraming hindi nareresolbang kaso ng pagpatay sa mga mediamen kung saan aabot ito sa halos 900 simula noong 1986 sa panunumbalik ng demokrasya sa bansa.
Nilinaw naman ni Bartolome na ang 24 kaso sa Pilipinas na tinukoy ng CPJ ay bahagi ng 26 kaso na naisampa na sa korte at ikinokonsiderang naresolba na. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending