^

Bansa

BIR commissioner sinibak!

-

MANILA, Philippines - Sinibak ng Office of the Ombudsman sa pwesto si Bureau of Internal Revenue (BIR) Deputy Commissioner Danilo Duncano matapos umanong mapa­tu­nayang guilty sa kasong grave misconduct at dishonesty.

Sa 22-pahinang desis­yon ni Ombudsman Mer­ce­­ditas Gutierrez, bukod sa pagkasibak ay hindi pina­payagan si Duncano na makuha ang kanyang retirement benefits, di na rin pinapayagan na maka­pag­tra­baho sa anumang tanggapan ng gobyerno at pagbawi ng Sandiganba­yan sa kanyang mga ari-arian tulad ng tatlong ma­gagarang sasakyan ng kanyang mga anak.

Sa record ng korte, si Duncano ay inireklamo ni Atty. Maria Olivia Elena Roxas, hepe ng Legal Mo­nitoring and Prosecution Bureau of Fact-finding Investigation Bureau (FFIB) ng ang una ay director II ng BIR-Quezon City.

Si Duncano umano ang bumili ng tatlong ma­ga­garang sasakyan ng kanyang mga anak dahil wala naman trabaho ang mga ito at walang kakaya­nan na makabili ng sasak­yan. Una na din inamin ni Duncano na sa kanyang sweldo na P250,000 sa loob ng isang taon ay hindi niya kayang bumili ng nasabing mga sasakyan para sa mga anak.

Isasampa din laban kay Duncano sa Sandigan­bayan ang tatlong ulit na kaso ng falsification of public documents dahil sa pamemeke umano nito ng kanyang Statement of Assets and Liabilities and Net­worth para sa taong 2000-2002. (Butch Quejada)

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BUTCH QUEJADA

DEPUTY COMMISSIONER DANILO DUNCANO

DUNCANO

INVESTIGATION BUREAU

LEGAL MO

MARIA OLIVIA ELENA ROXAS

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN MER

PROSECUTION BUREAU OF FACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with