Negosyador sa Sayyaf hiniling na linawin
MANILA, Philippines - Iginiit ni Senador Rodolfo Biazon na dapat linawin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kung sino talaga ang awtorisadong makipagnegosasyon sa Abu Sayyaf na kumidnap sa tatlong kagawad ng International Red Cross.
Aniya, bilang dating hepe sa Armed Forces of the Philippines, dapat na maging malinaw ang chain of command sa nagaganap na negosasyon at hindi na dapat pang isali ang mga nakikisawsaw lang.
Maging ang katayuan ni Gov. Sakur Tan ay hindi malinw kung ito ay pinuno pa rin ng crisis management team. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending