'Pinas ikaanim sa media killing sa mundo
MANILA, Philippines - Isa pa rin ang Pilipinas sa mga bansang may mataas na bilang ng kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.
Nakuha ng Pilipinas ang ikaanim na puwesto mula sa 14 bansa sa may mataas na kaso ng media killings base sa 2009 Global Impunity Index ng Committee to Protect Journalists na nakabase sa New York, USA.
Ang pinakahuling rekord ng Pilipinas pagdating sa ranking ng media killings ay ipinalabas sa pamamagitan ng Freedom Fund for Filipino Journalists at Southeast Asia Press Alliance.
Nangunguna pa rin sa ranking ang bansang Iraq na may pinakamataas na kaso ng pagpatay sa mga mediamen kung saan naitala na 88 reporters ang napatay simula US invasion noong 2003.
Ayon sa CPJ, sumunod sa Iraq ang mga bansang Sierra Leone, Somalia, Sri Lanka, Colombia, Philippines, Afghanistan, Nepal, Russia, Pakistan, Mexico, Bangladesh, Brazil at India. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending