^

Bansa

'Okay si Among' - Chiz

- Nina Malou Escudero at Mer Layson -

MANILA, Philippines - Kahit may balak su­ma­bak sa halalang pam­­panguluhan, sinabi kaha­pon ni Senador Francis “Chiz” Escudero na apru­bado sa kanya ang pag­takbo ni Pam­panga Governor Ed Pan­lilio sa presidential race sa 2010 tu­ngo sa good governance.

“Lahat tayo ay pa­nalo kay Among Ed,” sabi ni Escudero na ta­hasang sumuporta sa planong isulong ang tambalan nina Panlilio at Isabela Governor Grace Padaca sa halalang pampangu­luhan.

Sinabi naman ni Se­na­dor Francisco Pangili­nan na hindi dapat pi­gilan ang pagkandidato ng da­lawa sa mas ma­taas na po­sisyon kung ma­buti naman ang kani­lang hangaring mabago ang pa­mamalakad sa gob­yerno.

“Kung siya (Panlilio) ang mananalo, wala ta­yong talo,” sabi ni Escu­dero

Pero sinabi rin nito na magdedesisyon siya kung tatakbo o hindi pagsabit ng kanyang ika-40 kaarawan sa Oktubre 10.

Idiniin naman kaha­pon ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Ro­sales na hindi niya i-endorso ang si­numang pari na nais na tumakbo sa darating na halalan sa taong 2010.

Ito ang naging paha­yag ni Rosales kaugnay sa ulat na ilang grupo ang nagsusulong sa kandi­datura ni Panlilio na isang aktibong pari bago naha­lal na gober­nador.

“Ayaw kong maki­alam dyan sapagkat pulitika yan,” pahayag pa ni Ro­sales sa isang panayam ng church-run Radio Ve­ritas.

AMONG ED

AYAW

FRANCISCO PANGILI

GOVERNOR ED PAN

ISABELA GOVERNOR GRACE PADACA

MANILA ARCHBISHOP GAUDENCIO CARDINAL RO

PANLILIO

RADIO VE

SENADOR FRANCIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with