PGMA madalas sa Pampanga

MANILA, Philippines - Nadadalas umano ang pagdalaw ni Pangu­long Arroyo sa kanyang probinsiya sa Pampanga.

Hinala ng ilang pulitiko at residente sa lalawigan, kaya palagi ang Pangulo sa pag-iikot ay para uma­no palutangin at paba­ngu­hin nang husto ang pangalan ng kanyang anak na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo na sinasabing tatak­bong gobernador sa lala­wigan sa darating na 2010 elections.

Ayon sa source, ma­ka­kabanggaan ni Mikey sa 2010 gubernatorial race ang mga “bata” ni PGMA.

“Malamang labo-labo na ang mga PGMA boys pag­dating sa 2010 elections dahil lahat sila ay may ambisyong maging gober­nador,” wika ng im­por­mante.

Kabilang sa nagna­nais ding tumakbong go­berna­ dor ng Pampanga sina Lu­bao Mayor Dennis Pineda at Sen. Lito Lapid.

Itinanggi naman ng Pa­lasyo na may bahid pu­litika ang palaging pagda­law ni PGMA sa Pam­panga.

Ngayon ay magtutungo naman si Mrs. Arroyo sa Bacolor, Sasmuan, Ara­yat at Mexico sa Pam­panga para bisitahin ang iba’t ibang proyekto ng gob­yerno. (Rudy Andal)

Show comments