MANILA, Philippines - Bagamat bumaba na ang pamasahe sa mga jeep, hindi pa rin ramdam ng publiko ang ginhawang naidudulot nito kaya naman inilunsad ni Good Morning Kuya host Daniel Razon ang UNTV Libreng Sakay sa Bus para makatulong sa mga mamamayang kapos sa pamasahe patungo sa kanilang trabaho.
Nagbibigay din ng li breng MRT tickets ang UNTV para sa mga Senior Citizens, ito din ay suportado ng religious leader na si Bro.Eli Soriano ng Members of Church of God International (MCGI).
Sa ngayon ay may 2 UNTV bus na umiikot sa bi yaheng Monumento-Baclaran, Lunes hanggang Biyernes. Ang biyahe sa isang araw ay dalawang batch na nagsisimula ng 5am hanggang 8am ng umaga, at 5pm hanggang 8pm.
Ang ganitong proyekto ay ginagawa ng grupong tulad ng UNTV upang makatulong sa publikong grabeng naaapektuhan ng krisis pinansiyal, particular na ang mga nawalan at naghahanap ng trabaho.
Sa survey ng SWS , umaabot na sa 11 milyong Pinoy ang walang trabaho noon pang 2008.