Pinay hinataw ng tubo sa ulo ng robbery gang sa Malaysia

MANILA, Philippines - Isang Pinay ang suga­tan matapos na paghaha­tawin ng tubo sa ulo at kaladkarin ng mga uma­takeng robbery gang ha­bang patungo sa LRT station sa Petaling Jaya City, Malaysia kahapon ng umaga.

Kinilala ang Pinay na si Marilou Pingol, 38, market researcher sa Malaysia. Siya ay malubhang nasu­gatan sa ulo bunga ng da­lawang beses na pagha­taw ng isang tubo at ka­ladkarin ng may da­ lawang metro ng mga sumalakay na holdaper.

Base sa report, da­kong alas-6 ng umaga habang naglalakad si Pingol ka­sama ang di pinangala­nang pinsan patungo sa Kelana Jaya LRT station nang biglang sumulpot ang mga di-kilalang kalalakihan na hinihinalang miyembro ng Mat Rempit Gang.

Bigla na lamang hu­marang ang nasabing grupo sa dalawa saka pinalibutan at pilit na ki­nukuha ang bag ni Pingol.

Wala namang nagawa ang pinsan ni Pingol ha­bang pinanonood ang paghataw ng tubo sa Pinay at pagkaladkad dito.

Naghain na ng rek­lamo sa pulisya si Pingol laban sa mga holdaper. (Ellen Fernando)

Show comments