^

Bansa

Oposisyon tahimik kay Mancao

-

MANILA, Philippines - Tila mga pipi na hindi makapag-ingay umano nga­yon ang panig ng oposisyon kaugnay sa naglala­basang detalye ng affidavit sa Dacer-Corbito murder case.

Ayon kay Confederation of Government Employees Organizations (COGEO) Chairman Jesus Santos, nakakabingi ang katahimikan ng oposisyon ngayong malaki na ang posibilidad na maibalik sa bansa sina Sr. Supts. Glenn Dumlao at Cezar Mancao.

Anila ang katahimikan ng oposisyon ay malayo sa ginagawa nitong pag-iingay noong si dating Agriculture Undersecretary Jocjoc Bolante ang ibabalik sa bansa.

“Ngayong walang napatunayan laban kay Ginoong Bolante at ang nadidiin sa Dacer-Corbito ay ang boss ng Oposisyon na si dating Pangulo Joseph Estrada at si Sen. Panfilo Lacson, biglang tila naging pipi, bingi at bulag ang mga kritiko ng gobyerno sa pagpapabalik kay Ginoong Mancao. Kung talagang ang Oposisyon ay para sa katotohanan at katarungan, bakit hindi nila agresibong hingin ang pagpapabalik dito kay Ginoong Mancao?” ani Santos.

Hinamon din ni Santos ang oposisyon na di dapat sumali sa anumang gagawing imbestigasyon sa naturang kaso sa oras na dumating ang mga ito sa bansa. (Butch Quejada)

AGRICULTURE UNDERSECRETARY JOCJOC BOLANTE

BUTCH QUEJADA

CEZAR MANCAO

CHAIRMAN JESUS SANTOS

CONFEDERATION OF GOVERNMENT EMPLOYEES ORGANIZATIONS

DACER-CORBITO

GINOONG BOLANTE

GINOONG MANCAO

GLENN DUMLAO

OPOSISYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with