'Shares' ng coconut farmers sa SMC di magagalaw
MANILA, Philippines - Sinalungat ni House Committee on Agriculture vice-chairman Alfredo Marañon III ang alegasyon ng ilang sektor na malalagay sa alanganin ang ‘shares’ ng coconut farmers sa San Miguel Corporation (SMC) bunsod ng ipinasok ng investments ng nasabing kompanya.
“The statements being issued by some of our colleagues are very misleading for our farmers. The farmers’ shares have always been there and there is nothing unusual or irregular about San Miguel’s entry into Petron and Meralco,” giit ni Marañon.
Ayon sa mambabatas, dapat pa nga matuwa ang mga shareholders ng SMC dahil sila rin ang unang makikinabang sa potensyal na kikitain ng kompanya sa mga bagong investment nito.
Ginawa ni Marañon ang pahayag bilang reaksyon na rin sa pagkukuwestyon ng ilang kasamahan niyang mambabatas, sa pangu nguna ni Quezon Rep. Proceso Alcala sa pagpasok ng SMC sa Petron at Lopez-owned Meralco.
Sa halip umanong kuwestyunin, sinabi ni Marañon na ang dapat isipin ng ilang tutol sa SMC investments na ito na ang pinasok na bagong negosyo ng kompanya ay mga dati na at kumikitang utility firms.
Nagpahayag naman ng pangamba si An Waray partylist Rep. Florencio “Bem” Noel sakaling ituloy ng Kongreso ang pag-imbestiga. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending