MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Balanga, Bataan Bishop Socrates Villegas ang publiko na magtipid sa kuryente upang maiwasan ang pinangangambahang pagkakaroon ng energy crisis kung saan dapat itong pangunahan ng mga government offices at ng mga industrial sector.
Ginawa ni Villegas ang pahayag bilang reaksyon sa panukala sa Kamara na buhayin muli ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) na nasa Morong, Bataan.
Labis ang pagtutol ni Villegas sa pagbuhay sa BNPP dahil delikado umano ito sa kalusugan at sa kalikasan.
Binigyang-diin pa ni Villegas na dapat ding ikonsidera ng mga mambabatas ang paggamit ng solar at wind energy bilang alternatibo sa halip na nuclear power plant, dahil higit itong mas malinis, ligtas at mas mura, at marami na ring bansa ang gumagamit nito sa kasalukuyan.
Ayon pa kay Villegas na napakaraming geothermal sources sa bansa na maaring gamitin, kung hahanap lamang ng paraan ang gobyerno. (Doris Franche)