^

Bansa

Kinondena panukalang magpapanatili sa oil depots

-

MANILA, Philippines - Isang panukala ng Administrasyon na isinampa sa Konseho ng Maynila ay nag-ani ng matinding kontro­bersiya dahil sa layunin nitong panatilihin ang mga oil depots sa Pandacan at mga industriyang makaka-sira sa kalikasan.

Ang panukalang akda ni Konsehala Arlene Koa ay mag-aamiyenda sa Ordinance 8119, Ordinance 8027 at ng desisyon ng Korte Suprema noong Pebrero 13, 2008, na nag-uutos na tanggalin na sa Maynila ang naturang mga oil depots. Tinuligsa ang mga panukala bilang mapanlinlang na kilos upang hayaang magpa­tuloy ang operasyon ng mga oil depots bagamat napa­ tunayan nang ito’y mapanganib at peligro sa Maynila.

Kung maisasabatas ang naturang panukala, magi­ging legal ang mga ipinagbabawal ng Ordinance 8119, Ordinance 8027 at ang desisyon ng Korte Suprema. Isa ito umanong tuso at pailalim na kilos upang gawing nasa batas ang dating ipinagbabawal ng batas.

Bagamat ang panukala ay mukhang isang inosen­teng pag-amiyenda lamang sa mga ordinansa, kung susuriin ito, ito rin ay magpapahintulot na ang mga in­dus­­triyang nakalalason at nakasisira sa kalikasan ay maaari nang maitayo at maglipana sa Maynila.

Sinabi naman ni Konsehala Ma. Lourdes “Bonjay” Isip-Garcia., “Ang Maynila ay magiging sentro ng pag­ga­wa ng mga nakalalason na mga kemikal, produkto at iba pang gayong uri ng industriya. Isinama pa nito ang petroleum pro­ducts at oil depots. Walang lungsod saan man sa mundo ang nagpapahintulot ng oil depots sa loob ng lungsod. Ngunit ang bagong panukala, hindi lamang pinahihintulutang manatili ang mga oil depots, tila inaan­yayahan pang magtayong muli ng petroleum refineries.”

vuukle comment

ADMINISTRASYON

ANG MAYNILA

BAGAMAT

BONJAY

KONSEHALA ARLENE KOA

KONSEHALA MA

KORTE SUPREMA

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with