Decentralization program ikinasa ng Bureau of Immigration

MANILA, Philippines - Upang lalo pang maika­ lat ang operasyon nito, inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na magsa­sagawa ito ng reorganization sa field offices at subports nito sa mga lalawigan sa pamamagitan ng paglalagay sa mga ito sa control ng iba’t ibang regional centers sa bansa.

“The program was launched to streamline our organization setup by delegating to our officials in the provinces the responsibilities and functions performed by officials in our main office,” wika ni Immigration Commissioner Mar­celino Libanan.

Ipinabatid ni Libanan na bumuo na siya ng isang espesyal na komite ukol sa regionalization na mag-aaral at magbabalangkas ng mga patakaran para sa tamang pagpapatupad ng programa,

Hinirang ni Libanan si BI Executive Director Franklin Littaua bilang chair ng komite habang si BI Assistant Commissioner Alberto Braganza ang vice-chairman.

Giit ni Libanan, pana­ hon na upang palawigin ng BI ang decentralization program nito dahil hindi na akma ang kasalukuyang set-up ng ahensiya sa pangangailangan.

Aniya, sa mga nakali­pas na taon ay umakyat ang bilang ng mga dayu­hang pumapasok sa bansa at karamihan sa kanila ay nakabase sa mga lalawi­gan kung saan sila’y nag­ne­negosyo, nag-aaral, nag­tatrabaho o nagbabakas­yon. (Butch Quejada)

Show comments